Sunday, July 19, 2009

nakakamiss...

nakakamiss mag blog. nakakamiss magsulat. nakakamiss matulog ng madaling araw at gigising para magsulat ulit. walang pakialam sa suot na damit, walang nararamadamang gutom. nakakamiss ang "laidback" na buhay. walang boss, walang time-in, walang oras na kelangan sundin. nasayo na kung palpak ka, nasayo na din kung magpapakabait at bibo ka.

pag weekends, pag walang Saturday work, dun nagsisink-in ang lahat- lahat na meron ako noon, at kung anu ang meron ako ngayon. ayokong isipin ang mga bagay na nawala, kasi alam ko na meron naman papalit diba? weekend. dalawang araw para magpahinga. pero hindi pa rin maalis sa isip ko na bukas, Lunes na naman. balik trabaho, balik sa dating buhay. BUSY kunwari. sa dami ng dapat gawin, e makakalimutan ko saglit ang mga bagay bagay na bumabagabag sa mga gabi ko. limang araw ulit na trabaho, naghihintay sa 430pm ng Friday, para makaalis at masabing tapos na naman ang linggo.

Tatlong bwan pa lang akong ganto. Masaya. Totoo, masaya ako kung anong meron ako ngayon. Pero hindi pa din naman maalis saakin ang isipin ang dating buhay. Nakakamiss. At siguro, pag ok na ako sa mga achievements ko, ay babalik ako sa laidback na buhay. simpleng buhay. simpleng manunulat na walang ibang gawin kundi isulat ang pumapasok sa isip. Hindi man ganun kagaling tulad ng iba, walang pakialam basta alam nya na meron naman syang konting alam at meron din naman ibubuga. ;)

Konting trabaho pa. Dumadaan daw dito ang lahat. Tuloy lang sa paghahanap ng fulfillment na kelangan sa buhay para tuluyang matahimik ang kalooban at isip. May mararating din naman sa tamang panahon. Tyaga muna. :) Panahon nga lang ata ang kalaban ko sa ngayon.

Kaya, enjoy lang! :)

di kelangan magmadali. Dadating din tayo dyan.

0 comments:

 
ss_blog_claim=185466703797d2c609513011316d4c6b ss_blog_claim=185466703797d2c609513011316d4c6b